Sunday, September 30, 2007

reasons i don't get along with boys

  1. lumaki ako na lahat ng kaaway ko sa school eh lalaki
  2. nagaral ako sa exclusive school for girls
  3. may inferiority complex ako
  4. feeling ko kakumpetensya ko sila, academic-wise
  5. wala akong kapatid na lalaki
  6. walang pumapansin sa king lalaki
  7. wala akong tatay

Saturday, September 29, 2007

Bahay Kubo...

Valer kuberch, kahit jutay
Ang julamantrax donchi ay anek-anek.
Nyongkamas at nutring, nyogarilyas at kipay
Nyitaw, nyotaw, jutani.
Kundol, jutola, jupot jolabastrax
At mega join-join pa, jobanox nyustasa.
Nyubuyax, nyomatis, nyowang at luyax
And around the keme ay fulnes ng linga.

time to leave everything behind... i guess

Again, I'm at this point in my life when I want to get out of something. Not just something. Something that I have worked hard for. Something I have always wished to do. Something that I thought I didn't want to let go...

Which reminds me of a quote from Joe D' Mango... "The irony of love is letting go when you need to hold on, and holding on when you need to let go". Which makes me wonder, should I let go or hold on?

There are a lot of new things I want to try, new tasks to do, new routine, new life, new friends... but I'm stuck here, with no way out. I want to leave everything behind, but I don't want to start from the very bottom again. There are a lot of thing that I have to consider, and if I make the same decision again, I might end up regretting it AGAIN. Yes, AGAIN.

I remember my conversation with a friend a while ago, If i feel that I don't want it, then better let go... but then again I have to consider a lot of things before I do that. So, is it time to leave everything behind? Maybe not yet. Not until I'm fully recovered and ready to face the consequences of letting go. Maybe not until I'm ready to face it. Maybe not now, maybe soon...

No, I'm not talking about my love life as I don't have any. I'm takling about something that I loved doing the most. Read between the lines.

Saturday, September 22, 2007

countdown

...keisi
...she
...apple
...abie a.
...maita
...ewik
...greg (are you still here??)

ok... so the number of spAmoretto decreased from 27 to 7 (well, i do hope greg's still here). seriously, I'm thinking of erasing my name on the list (read between the lines!) as i have mentioned in my previous blog, there are some factors why i want to _ _ _ _ _ _ and reasons why I don't want to. and if i do that, i'll start from the very beginning again...


makes me wonder



bakit ko ba di pinuntahan yung 3 it companies na tumawag sa kin dati?

Friday, September 21, 2007

bakit (minsan) ayoko magphonetime

  • tinatamad ako magsalita
  • feeling ko di ako naiintindihan ng customer ko
  • mas sanay na ako sa chat kesa sa phone
  • ayokong makuha si masako harris
  • ayoko ng sup call
  • ayokong ma IR for inappropriate escalation
  • di ako basta basta pede mag opt-out... kailangan pa ng permission to transfer (arrggghhh?!!!!)
  • ayoko ng irate na caller kasi nagiging irate din ako
  • di na ako familiar sa phone

Thursday, September 20, 2007

surprise!

ballpen...

yung ang sabi ng nanay ko sa kin...

ballpen daw yung pasalubong sa kin

yung pilot na g-tech na ballpen



sana nagbilin na lang ako ng isang set ng staedtler na tech pen....

Tuesday, September 18, 2007

is it me or...

di lang siguro ako sanay na hindi partner ni chun si ella? well, I watched the pilot episode of romantic princess starring wu chun, calvin chen and angela zhang. it's a typical cinderella-like story. the only reason that i watched it is because of the wu chun overload factor. yun lang. anyway, ok rin naman sya kasi nakakapanibagong makita si angela zhang na comedy ang ginagawa kasi parang puro heavy drama na lang yung mga series niya eh. too bad, danson tang's not included in the cast. siguro dahil nasa x-family siya. pero mabalik tayo sa romantic princess. mukhang ok naman yung ost niya kahit parang puro boses ni angela zhang ang naririnig kong kumakanta at kahit parang wala na namang solo song si chun dun... haaayyy... disappointed fan ako... i'm starting to think na pang acting lang siya... anyway, mukhang maganda naman yung ost niya, especially angela's version of "somewhere over the rainbow" na palagi kong kinakanta ngayon hehehehe. can't wait for the ost to be released.

aside from that, another taiwanese series started sa cts. it's called sweet relationship starring vic zhou and vicki zhao. di ko rin masyadong mapanood kasi papalit akong channels dahil maganda yung episode ng ying ye at romantic princess. as for ying ye naman... hmmm... nakakaiirita lang na may bagong character na sumulpot. sana nagfocus na lang sila sa love story ni xia tian at ah jiang... kaso nacomatose si ah jiang eh... waahhhhh... huhuhuhuhu wag mong sabihing mamamatay siya... grabe, nakaisang box ata ako ng tissue nung pinapanuod ko yung ying ye eh... huhuhuhuu

Saturday, September 15, 2007

A BIR Story

buti na lang nakakuha na ako ng TIN online... pero hassle kasi halos 2 taon akong walang TIN di ba?


> ADVENTURES SA KAWATANAN NG RENTAS INTERNAS ni Jol Ong
>
>
> Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher.
> Contract employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at
> kailangan ng extrang tao. Okay lang ang bayad, kaso may 10%
> withholding tax, at siyempre, dapat may Tax Identification Number ako.
> So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba yung employer ang
> maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka kasi regular
> employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo." Assurance nung
> assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle lang yan."
>
> Alaako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ang
> worst case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay
> naman ako sa UP e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila sa
> graduation, etc. Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng
> beetle ko, at sa pagrerenew ko ng lisensya, so okay lang. Sabi ni
> bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para mas
> konti ang pila. May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking
> distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa
> Main.
>
> So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun.
> Dun ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos planoko, dadaanan
> ko yung ilang research materials sa UP. Solve!
> Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao.
> Ni wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap, dahil
> tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala
> silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.
> Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application
> ko, sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi
> ko sa Intramuros.
>
> "Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki. "Di po ba puwede
> talaga rito?"
>
> "Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa 'yo."
>
> Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong
> sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms,
> pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki
> ng mga building nila, tapos hindi nila ako ma-accommodate.
> Taragis, e malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa
> BIR Davao BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba?
> So ala na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung
> magprotesta pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups ( U.P.) for
> official business, for the first time. Hehehe!
>
> Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa
> BIR sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa
> taas,hinanapan ako ng certificate of employment, at barangay
> clearance. At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo
> na yung lalaki sa BIR Main, wala akong bitbit na requirements.
> Pagbalik ko sa opisina, inexplain ko sa bosing namin yung problema.
> Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di
> maintindihan yung paghihigpit ng BIR.
>
> Lintek, sabi nga nung isang workmate ko, the fact na nag-apply na ako
> for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na puwede na nilang kupitan,
> err, kaltasan ang maliit kong suweldo. Ako na nga ang magbibigay ng
> pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan.
>
> Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao.
> Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng
> certificate of employment. Yung barangay clearance, ako na ang
> maglalakad. Plano kong bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang
> sasabihin na sa Maynila ako nagtatrabaho. Yung ninang ko na may
> business, binigyan ako ng TIN Forms. Form 1901, take note. Para sa mga
> regular employees. May pipirmahan sa likod ang employer ko. After
> nito, dumiretso ako sa barangay hall namin para sa clearance. Hiningan
> ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako sa puntong ito. Isipin
> mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong ito, para saan? Para
> gawin ko ang aking role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng
> tamang buwis?
>
> Anyway, tinanong ako nung babae sa barangay hall kung may TIN daw ako.
> Nafafalo ako sa noo ko.Whoooooo!
!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!
> Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of
> employment sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form
> 1901 ko. Kaso sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of
> employees ng NCCA. Project employee lang ako e. So tinanong ko kung
> puwede ibalik yung mga kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at
> ayaw akong bigyan ng BIR, kaya pu@#$%*na sila, di ko bibigay pera ko
> sa gobyerno! Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang
> kaltas sa suweldo ko. Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang
> malilintikan kapag nag-check ng expenses ang NCCA, makikitang hindi
> binawasan ng suweldo ko. So tinawag ngayon yung isang accountant ng
> NCCA para tulungan kami sa aming munting problema. Hindi rin
> maintindihan nung accountant kung bakit hinihigpitan ako ng BIR.
>
> Putsa, ako na nga ng magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana pa
> silang magpakipot. Sabi nung accountant, yung kinaltas sa akin,
> mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako o wala, at hindi sa
> bulsa ng kung sinoman sa NCCA.
>
>
> Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang
> congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man
> ng prusisyon, sa simbahan pa rin ni s~tan~s ang tuloy. Ang difference
> bale, kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung
> kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr.Congressman sa
> p*kpok niya sa Pegasus. Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung
> pang-tip niya
>
> Advise sa akin, sabihin ko na lang na freelance writer ako. Tutal, may
> kaltas din naman daw kapag nag-freelance ka sa mga diyaryo. Tapos
> i-assert ko raw na ako na ang pagbibigay ng pera sa kanilang mga letse
> sila kaya dapat bigyan pa nila ako ng libreng chocolait at biskwet out
> of gratitude mga hayop silang mga impakto sila. Okay. So bumalik ulit
> ako sa BIR Main. As usual, ang pila lang ay yung sa harap, kung saan
> nagtse-check yung sekyu ng bomba sa mga bag ng mga tao.
>
> Anyway, babae na yung nasa desk ngayon. Pinakita ko na yung baranggay
> clearance ko, at yung accomplished Form 1901 ko. Nung tinanong sa akin
> kung saan ako nagwowork, inexplain ko na freelance writer ako kaya
> wala akong regular employer, kaya walang nakapirma sa likod. Okay?
>
> Okay. Hinde. sabi nung babae, since hindi ako regular employee, ibang
> form dapat ang finill-up-an ko. At bigla siyang naglabas ng Form 1902
> at binigay sa akin.Whew, kinabahan ako dun a. Yung Form 1902, sabi
> niya, ay para sa mga "mixed-income individuals," para sa mga taong
> hindi regular ang kita-professionals, businessmen, at sabi niya,
> freelance writers. Okay! Fill-up dito, fill-up dun, okay lang!!!
> Magkakaroon na ako sa wakas!
>
> Inaabot ko na sa babae yung Form 1902! Eto na... "Ummm, okay na?
> Ngayon, punta kayo sa West Ave.....Branch namin."
>
> Nanlaki ang mata ko. Wow, nasira agad ang aking moment of triumph.
> "Err! , hindi po ba puwede rito sa Main?"
>
> "Hinde, kasi sa Project 6 ka nakatira. West Ave. Branch namin ang may
> hawak sa inyo."
>
> Naramdaman ko, parang umiikot-ikot ang paligid ko. Parang gumagaan ang
> ulo ko, nanglalambot at naghihina ang tuhod ko. Bigla kong naramdaman
> ang isang matinding pangangailangan na i-headbutt ang kausap kong
> babae sa desk. Sa halip na isang headbutt, nagtanong na lang ako.
>
> "Puwede po bang ibang tao na lang ang maglakad nito para sa akin?"
> "Oo, gawa ka ng authorization letter..."
>
> Ah! Paraakong nabunutan ng tinik sa dibdib! Fafalakad ko na lang ito
> sa nanay ko. hehehe. Paglabas ko, marami pa ring tsinecheckan ng bomba
> sa bag sa harap. Ngayon alam ko na kung bakit. Ako rin gusto ko rin
> silang bombahin. Hindi ko pa rin mawari, nung araw na yun, kung ano pa
> talaga ang purpose ng BIR Main. Nakangsiomai, dun sa maliliit na
> branches nila, siksikan ang mga tao, milya-milya ang pila. Sa Main,
> ang lawak-lawak, pero di sila nag-a-accomodate ng applications! Sa
> kasamaang palad, hindi ako nakapagsulat ng authorization letter, at
> masyadong busy ang nanay ko para ilakad ang TIN ko. Anyway, sabi niya
> sa akin, may kaklase yung tita ko sa BIR West Ave. Kapag nagipit ako,
> hanapin ko na lang yun.
>
> Okey. Sige. Isa pa, may Form 1902 na ako, baranggay certificate, at
> yung excuse ng aking pagiging freelancer. Pila lang siguro ang
> problema, pero okay na.
>
> Putsa, dapat okay na. At nakarating din ako, isang araw, sa BIR West
> Ave. Sa second floor sila nag-oopisina sa isang building. Masikip yung
> elevator dahil sa dami ng tao. Narating ko na rin yung desk para sa
> TIN. Nung chineck nung babae dun yung papeles ko, hinanap nila yung
> pirma ng employer.
>
> "Ay. Wala po. Freelance Writer po ako e." Napatingin sa akin yung
> babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang ang mga salitang
> aking nasambit... "Ano yung Freelance Writer?" Nafafalo ako ulit sa
> noo.
>
> "Ma'am, freelancer po ako. Wala po akong regular na sahod. Binabayaran
> ako per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya
> wala akong certificate of employment." Nung makitang Form 1902 ang
> dala ko, sinabihan pa akong maling form ang bitbit ko, kaya inexplain
> ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main, na Form 1901 ang dala ko dati
> pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin kaya binigyan ako ng
> 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer ako sa branch nila.
> Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit
> ko..
>
> "Ano yung Freelance Writer?" Okay! Kulang ka ba sa iodized
> salt?!!Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at
> nakatingin pa rin siya sa akin na tila nambubullsh~ t lang ako.
>
> "Punta ka na lang sa Officer of the Day."
>
> "Umm. Saan po yun?"
> "Sa Seventh Floor." 1...2...3... 4...5...6. ..7...8.. .9...10.. .
> ayan... kumakalma na ko...
>
> NAKANANGTOKWA! !!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!
>$#@*^%$%#!!! !!!!!
>
> Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd patungong 7th
> floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of the Day
>
> "Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..." At ipinaliwanag ko
> yung nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main, hanggang sa pagpunta
> ko sa ibaba kanina. "Umm... at anong gusto mong gawin ko?"
>
> Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
> Ipinaliwanag ko ulit. "Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN.
> Bakit ka pinaakyat sa akin?" Halos nagmamaka-awa na ako. "Ma'am, ala
> po ba talaga kayong magagawa?" At inilahad ko ulit yung masasayang
> adventures ko sa BIR Main, sa BIRPort Area, sa BIR Main, at sa BIR
> nila.
>
> Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya ko.
> Nung makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay
> tatak. "Ayan. Okay na yan." Namagandali ako. Sincere!!! Halos mapaihi
> na ako sa tuwa. Matatapos na!!!
>
> Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang choice,
> takbo ulit ako sa hagdanan pababa.Pagdating dun, lalaki na yung
> nakaupo sa desk. Pinakita ko ulit yung mga papeles ko.
>
> "Saan ang Certificate of Employment mo?" Nammannnnn!! !! Ano ba'to?
> Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang loop?
>
> "Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."
> "Ano yun?"
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOOOOOOOOO OOOOO!!!! !!!!!!
>
> At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento
> ko yung episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.
>
> "Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo ito e."
>
> "E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular ang
sahod ko!"
>
> "May mayor's permit ka ba?" Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako
> natawa, pero, talaga , grabe, comedy ito, men. Wow.
>
> "Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"
> Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.
>
> "Ummm, propesyunal ka ba?"
>
> "Opo."
>
> "Anong propesyon mo?"
>
> "Writer po."
>
> "May lisesnsya ka ba?" - "Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT! !!????" Kung
> kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.
>
>
> "HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARAMAGING WRITER!!!" Sabay
> follow-up ko ng: "ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO,
> PINAPAHIRAPAN NYO PA AKO!!!"
>
> Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano
> gagawin. Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day,
> i-he-headbutt ko na'to talaga. Buti na lang- "O sige, irereceive ko
> ang forms mo, pero ang alam ko dapat may kasamang papeles pa ito e.
> Pumila ka na lang dun..."
>
> *haaaaaaaaaaaaayyyy yyyyyyy.. .....* Kaso, sobrang haba ng pila, at sa
> takbo ng mga pangayayari ngayon, ayoko nang maghintay ng isa't
> kalahating oras para lang mag-replay ng kuwentong kung ano ang
> freelance writer, at kung bakit hindi ako regular employee.
>
> Lumabas ako, pumunta ako sa corridor. Pikon na pikon. Tinawagan ko
> nanay ko, tinanong ko yung pangalan ng kaibigan dati ng tita ko sa
> highschool na nagtatrabaho ngayon dun. Okay, nakuha ko na yung
> pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan ang opisina
> nung babae.
> "Sa seventh floor po." Hindeeeeee!! !!! Pero sige, para lang magkaroon
> ng bunga ang paghihirap ko ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa
> harap ng elevator, kaya ayun, inipon ko ang natitira kong lakas at
> hininga, at aking tinakbo muli ang second to seventh floor sa
> hagdanan.
>
> Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko.
> Nagtanong-tanong ako ulit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita
> ko, hanggang sa mapunta na ako sa gitna ng opisina nila.
>
> Sa wakas- "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok ka diyan." Yehey!!!
>
> "Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."
>
> NOOOOOOOOOOOOOOOOOO OOOOOOOOOOOOOOOO O!!!!!!!! !!!!!!
>
> Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung
> paano ko tinakbo pababa ang first floor. Pikon na pikon ako, grabe.
> Pag-uwi, nakaubos yata ako ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong
> humupa ang tila-nuclear holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.
>
> Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli yung mga tax
> >evaders,hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang loob na
> magbayad ng buwis!!!
>
> Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!! Syet!!! Ano
> nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos!!!
>
> Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwento
> ko lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking
> BIR adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon
> na yun.
>
> Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon na yun
> kaya ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ, at
> ngayon, kuwento niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan
> niya. Pati yung mga tao sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin
> makahinga sa katatawa.
>
> Langya, baka maging urban legend pa ang buhay ko, in which case, sana
> puwede kong i-video lahat, at lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring",
> tapos fafadalhan ko ng kopya yung mga tao sa BIR.
>
> Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya
> para magsulat. Isang physical manifestation ng concept ng poetic
> license? haha!
>
> Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle up to
> 4500 KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500 KGS GVW", etc. paano
> kaya yung sa "Poetic License" o "Writing License?"
>
> I. Restrictions
>
> 1. Haiku and short essays only
> 2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
> 3. Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
> 4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry ...etc. Pero nag-digress na
> naman ako. Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode, dumaan ako sa
> tambayan namin sa UP. Nung makita ako ng mga kasama ko - Jol! Pumayat
> ka a! Grabe!" hehehe.
>
> Naalala ko yung jogging-jogging ko sa building, at yung stress, at
> namagandai ako. Isang mapait at matamis na ngiti. At kinuwento ko kung
> bakit.
>
> PS: hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose
> raw, namatay nang walang TIN. Nakakatakot.

Thursday, September 13, 2007

cousins

I'm not close to any of my cousins... Well... I used to be close to my cousin but since they started high school, I felt left out. Gone are the days that I would go out and play with them and their friends from their neighborhood, but I'm doubtful with their action since they seemed to be annoyed when I'm around since I'm very "makulit". Seems like they have no choice but to bring me along with them since I'm staying at their place.

The last time I played with my cousins was when I was in second grade. Unfortunately, I skinned my elbow, which made my uber over protective grandma to bring me home and lock me up. Goodbye... happy days. Since then, whenever I sleep over at their place, I am not allowed to go out.

I became a teenager, but still, I never go to be close to them. I'm blaming our age gap, but I guess, that's life. That's why I devoted my time to my high school BFFs rather than hanging out with my cousins. Family problems came, making me more distant to them. I find myself comparing myself to them - who got the better grades, the better school, the better mind, who's the better daughter, etc. Whenever I'm around them, it felt awkward, simply because I'm hanging out with people I really don't know.

This November, my uncle will go home from the states, bringing with them one of my cousins, who I've never met nor seen in my entire life. Somehow, it scares me. I don't how to act and react in front of her. I don't want to be compared to her or even be envy of her. I just don't know how to treat her. Should I treat her like one of my best friends, or just treat her the way I treat my cousins? We exchanged e-mails once, but that's it. And it took her a long time to write me... like a year...

Guess, I'll blame it on the age gap again...

Thursday, September 6, 2007

super boink

ba be bu be.... boink!




map

Love needs no map,
for it can find its way blindfolded...
It is like an endless road...
You never know where it begins or where it ends....

Me and My Wild Imagination - Part 4 - A Quarter Life Crisis

I'm writing this 3 months and 4 days before my 24th birthday. I can say that a lot of things happened to me within that 24 years. There are people who came into my life and silently slipped away. I can't say I'm fulfilled right now, but I can say I'm looking forward for the next 24 years or so of my life.

I'm turning 24... geez, I feel too old for my age. I think my coming birthday wouldn't be as excited as my 7th, 12th, 13th, 16th, or 18th birthday. I'm not looking forward for that day.

People think that at this age, you should be more mature. Well, sad to say, I'm not. Yes, I provide for my family, but that's all. I still wake up at 1 pm during my days off, I still don't clean my room, I still don't follow my mom's orders, I still make reckless actions that I regret later on. Maybe the only mature thing about me now is that I carefully thinks things through before making a final decision. The last time I made a bad decision, I ended up regretting it.

I'm turning 24, and yet I'm all alone. OK, so I have my friends, and my family. But... I feel... well... alone... maybe sad... There are times that when my friends talk about their better half, even if they tend to complain about their boyfriends (insert sherrie's name here), I feel a little envy. I can't even remember the last time that I had a bf... hmmm... I guess it was way back in 2004. I'm not saying that I want to have a boyfriend, but the throught of being alone for the rest of my life just scares me. I don't want to end up like my spinster aunt who blames everybody for her misfortunes and lack of love life.

I'm turning 24, and there are a lot of things I want to do and finish. Diploma... who's that stupid person who invented such thing? I have to go through a lot of hardships and 14 miserable units to get a stupid diploma for my course. As usual, I have never started, and I'm too lazy to start studying again. My heart is not with CoE anymore... maybe there's a course out there that would interest me, but the lack of funds and time won't let me pursue it. I want to save money, I want to go to the gym, I want to be promoted, I want to trim down... but, as stated a while ago... I'm too lazy. God help me finish my nihonggo lessons...

24... hmmm... I feel a little weird about my age. when people younger than me finds out about my age, they will call me "ate". I hate being called "ate". I wish I could turn back time and become a kid again - no problems, no worries, and life is so simple...

woopee!!!

inaamin kong super fan ako ng Fahrenheit at S.H.E., kaya naman super saya ko pag palagi akong nakakasagap ng magandang news about them... gaya na lang nito:

Singapore Golden Melody Awards 2007


Nominees for Most Popular Newcomer:
1. Ting Zhu
2. Li Yu Chun
3. Cherry Boom
4. Hung Jun Yang
5. Shi Xin Huey
6. Evan Yo
7. Mi Lu Bing
8. Chen Shi Wei
9. Chen Di Ya
10. Fahrenheit

Nominees for Most Popular Singing Group:
1. 183 Club
2. Energy
3. F.I.R.
4. SHE
5. Twins
6. Mayday
7. Vanness Wu/Kang Ta
8. Sodagreen
9. Mi Lu Bing
10. Fahrenheit

weee!!! galing galing naman ng mga idol ko!!!