... ang una nating pagkikita. Medyo mayabang ka non, at di kita gusto. Who would've thought I would fell for you..
... ang una nating pag-uusap sa telepono. Nakakatawa ka... nakuha mo agad ang loob ko...
... ang unang beses na napaginipan kita, at nung gumising ako... alam kong hindi lang kaibigan ang gusto kong mangyari sa atin...
... nung muli tayong magkita... masayang masaya ako nun...alam ko magiging part ka na ng barkada namin...
... nung nakita ko kayong magkayakap... hindi ko alam pero nagselos ako... selos, galit, pagkamuhi... lahat yun naramdaman ko nung panahon na 'yon...
... nung subukan mong lumapit sa kin... ayokong pansinin ka... oo alam ko na ang dahilan kung bakit ako nagseselos... dahil alam kong mahal na kita... ayokong makita mo yun... ayokong umiwas ka dahil sa nararamdaman ko para sayo
... nung siya na lang palagi ang kasama at kausap mo... andito rin naman ako... hindi ako hanging... may iba pang kasama sa barkada, bakit siya lang?
... nung inaming niya sa king nililigawan mo sya... para matakpan lang ang nararamdaman ko sa yo, sinabi kong pinagseselosan kita, dahil isa kang malaking hadlang sa friendship namin...
... nung nagkita tayong muli at inaway na kita... inaway hanggang mainis ka sa kin... pero kung alam mo lang kung gaano kahirap sa kin ang gawin yun... kung gano kasakit na makitang nagagalit ka na sa kin...
... ang kantang inalaan ko para sa yo... na kahit marinig ko sya ngayon ikaw na lang palagi ang maaalala ko...
... mga luhang pumatak sa mata ko ng dahil sa yo...
... yung sumpa ko sa sarili ko na hihigitan kita... na gaganti ako... na balang araw mamahalin mo rin ako at pag dumating ang panahon na yun, hindi na rin kita mahal
... nung isuot mo sa kin yung friendship bracelet...
... nung nagkailanganan tayo... palagi na lang... pag nagkikita tayo...
... a, oo nga pala... tuwing nakikita kita... palagi na lang nawawala ang galit ko sa yo... and I fall head over heels again for you...
... yung huling sayaw natin sa panaginip ko...
Monday, March 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment