Monday, March 19, 2007

Filler

Hanggang ngayon, di ko alam kung pano ko dudugtungan at tatapusin yung story na ginawa ko. Siguro hanggang simula lang talaga yung kaya ko... pero challenge to para sa kin.

Baby ko ang "The Reunion" na story. Nagsimula ito 7 years ago, yung panahong nagsisimula na akong gumawa ng direksyon sa buhay ko. Iniisip ko kasi, san at ano na nga ba kami 10 years from now?

Sa story, High School reunion ang mangyayari. Pero pano magkakaron ng reunion kung di muna babalikan yung high school di ba?

So ang story, magkakabrakada sila. Yung Sandy, nag-aral sa Switzerland para makalimutan yung first love niya. Yung playboy niyang kaibigan, si Francis, simula nung nakita niyang nasaktan yung best friend niya, di na ulit nagka gf through out his adult life. Si Vanz naman, narealize niya na ang laki nyang tanga nung pinakawalan niya si Sandy. Yun lang. Simpleng love story na may happy ending na naman although ayoko talaga sa mga happy endings. nagkataon lang na yun nag nagawa ng aking imahinasyon.

Reunion...

3 years from now High School reunion na namin. Ano ba ang maipagmamalaki ko? Ano ba yung mga bagay na ineexpect sa kin ng mga kabatch ko? Ano nga ba ang gusto kong ipakita sa kanila pag bumalik ako?

Simple lang naman: dapat successful na ako. Pero parang hindi mangyayari yun... dahil bukod sa undergrad ako, isa lang akong simpleng tech support. call center agent. agent. hindi ako engineer. isa akong tech support agent.

Ang important naman, nakatuntong ako ng college. May trabaho ako na ang sweldo ay 15k a month. Siguro ok na rin yun.

Isa pa, di pa rin ako pumapayat. Nung 4th year HS ako, medyo nangangayayat na ako. Biglang naudlot. Ewan ko ba, siguro iba lang talaga pag in love. Haaayyy...


Regrets...

Syempre marami ako nyan. Maraming marami. Simula pa lang nung high school. Ewan ko ba kung bakit di ako popular. Minsan lang. Sandali lang. Pero di ko naenjoy dahil nagsummer vacation after nun.

Ewan ko rin kung bakit walang nanliligaw sa kin nun. A, siguro kasi ang taba taba ko nun. Dinadaan ko na lang sa talino ang lahat.

Bakit ba hindi ako niligawan nung first love ko?

Bakit napakabitter ko nung 4th year high school?

Bakit ba computer engineering yung kinuha kong course at hindi Journalism na gusto kong kunin?

Bakit ba hindi ako pumasa sa UST?

Bakit hindi ako nag exam sa UP?

Bakit pinakawalan ko yung tanging taong nagpahalaga at nagmahal sa akin ng totoo?

Bakit hindi ko ginalingan yung mga subjects ko at bakit hindi ako naging honor student?

Marahil ang sagot, isip bata pa ako noon. Walang direksyon ang buhay ko. Ang pagdedesisyon, inaasa ko dun sa taong mas nakakatanda sa kin.

Marami akong regrets. Hindi lang yang mga yan. Maraming marami... minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang ginawa yung mga bagay na ginawa ko nung bata ako. Para perfect ang buhay ko. Para naging masaya ako. Pero hindi ganon... hindi pwede yun...

0 comments: