Saturday, March 24, 2007

Isang masaklap na pangyayari...

Dapat masaya ang araw na ito sa kin. Bukod sa alam kong mayaman na naman ako dahil sa sweldo ko, makikita ko ulit ang ngiti sa mukha ng nanay ko dahil sweldo ngayon. Oo... sweldo ngayon, pero kinain ng ATM ng Banco de Oro ang sweldo ko. Masaklap ang pangyayaring ito dahil 8 araw na naman akong pulubi...

Dahil mahirap magwithdraw sa I-bank na pinakamalapit sa min dahil sira ata yung ATM nila... naisipan ng nanay ko na sa Banco De Oro na lang iwithdraw ang sweldo ko tutal idedeposit rin naman nya yun dun sa bangko na yun. Masaya na sana sya dahil 8.1 kiyaw ang sinuweldo ng kanyang pinakamamahal na anak, kung di lang walang lumabas na pera nung winithdraw nya ang sweldo. At syempre dahil sa panic, sinigod ng nanay ko yung bangko para ilabas ang sweldo ko. Tinawagan ng Teller yung Call Center nila. Matapos ang ilang segundong diskusyon at 10 minutong hold time, nakita na ng Call Center Agent na taga BDO ang problema. Ibabalik daw nila ang pera ko sa loob ng 10 araw o mas maaga pa.

10 araw... sana sinabi na lang nilang magbunjee jumping ako sa Quezon Bridge, matatanggap ko pa. 10 araw na wala sweldo at pera... yung 10 araw (technically dapat 7 days lang dahil sa 3 araw na leave ko) na pinaghirapan ko... yung pawis at dugo ko sa pagbabantay ng Service Line... yung 10 araw na pinagtrabahuhan ko... pagkatapos pa ulit ng 10 araw ko makukuha.... Anak ng teteng talaga!

Marami pa man din akong balak ngayong sweldo. Nadisgrasya yung pambili ko ng Fitrum at panlibre ko kay Pie sa Yellow Cab. May sale din daw sa National Bookstore... yung Wizardology na book Php299 na lang... malas naman... bibili pa man din ako ng bagong sapatos.. haaayyy

10 araw na naman akong pulubi... kawawa naman ako...

0 comments: