Hindi ko alam kung kailan ka darating. Hindi ko alam kung makikita pa kita. Pero aasa ako sa paniniwalang may isang itinakda para sa lahat ng tao.
Minsan iniisip ko, buhay ka ba? Nasa kabilang dulo ka ba? Ano bang nasa puso mo? Nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?
Kung totoo ka man, pwes aasa pa rin akong balang araw makikilala ka. Di ko alam kung kailan, di ko alam kung saan. Kung tama man ang lugar at panahon, Diyos na lang ang nakakaalam.
Sa ngayon, marami akong tanong sa isip ko tungkol sa 'yo. Nasaktan ka na ba? Nagmahal ka na ba ng sobra sobra? Minsan ba sa buhay mo, umasa ka? Minsin ba inisip mo na rin bang huwag nang magmahal ulit, at magtiwala sa ibang tao? Kung ako ang tatanungin mo, oo. Kaya hindi mo ako masisisi kung sakaling dumating ka, saktan lamang kita. Dahil pagod na ako... pagod na pagod...
Kung darating ka, sana dumating ka na, Ayokong sisihin ka balang araw dahil huli ka na. Ayokong dumating ka na hindi na ako marunong magmahal. Dahil baka huli na ang lahat, at matutunan ko na hindi pala kita kailangan...
Kung darating ka ngayon o bukas, Diyos na lang ang makakaalam. Basta't isipin mo palagi na inaantay kita, at umaasa na magiging maligaya rin ako sa piling mo...
Saturday, February 3, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment