Sunday, February 18, 2007

My "Thank God, It's Sabado" and "Growing Up" Days


I remember mt TGIS and GU days. Sobrang fanatic ako. I always wish I have friends like Peachy, Wacks, Cris (ako si Cris), Mickey and Kiko. It's a story of friendship, gorwing up, and dealing with life. I learned a lot from this show.

====================================================================

-=Memories ko ng TGIS at GU=-



Marami akong favorite moments at episodes sa TGIS at GU:
  • Nung namatay si Dominique kasama sa Kiko at nanonood sila ng sunset
  • Nung dumating si Mitch from Switzerland at di sila magkita kita ni Kiko
  • Nung namatay si Noel
  • The retro episode
  • Nung nakilala ni JM si Rain
  • Nung naging adik si Kiko (in fairness, may talent siya ha!)
  • The very first episode (patay kayo diyan... "I'm Francisco Martin Arboleda De Dios"... Alright!!!)
  • Nung "may nangyari" kina Angel at Wacks
  • Nung naaksidente si Wacks at na-coma
  • Nung naaksidente ULIT si Wacks
  • Nung hindi sumipot si Peachy sa kasal nila ni Wacks
  • Nung nalaman ni JM na buntis si Melissa
  • The date rape episode
  • The frat episode (the first episode I've watched)
  • Nung naging si Kiko at Mitch
  • The He said, She said episodes nina Bea at Noel
  • Nung nagtanan si Wacks at Peachy
  • Nung bumalik si Peachy nang hindi alam ni Wacks
  • Nung birthday ni Peachy
  • Nung "nadevirginize" si Kiko
Isip pa ako... basta too many to mention siya...


====================================================================

-=Lessons in Life=-

Kahit paano may natutunan naman ako. I knew what to expect in high school, at mas lalo na nung college.

Kung nung high school, papetiks petiks ka, easy lang ang buhay, iba pala ang college. Mas lalong iba na nung natapos na ang college life. This is the real world man!

Lahat nagbabago, lahat tumatanda. Kung noon, ang akala ko, Peachy-Wacks forever, hindi rin. Yung damdamin nagbabago rin.

Life's lesson is that change will always be inevitable. Kung noon, uso ang may bangs, ngayon hindi na. Kung noon, uso ang neon green at neon orange, ngayon, try mo magsuot. Tingnan natin kung di ka nila pagtawanan.

Gaya ng characters sa TGIS, marami rin akong napagdaanan sa teen life ko, as well as sa young adult stage ko.

Like for example, I've been through a hell of financial problems nung college ako. Just like what happened to Mickey. Simula nung namatay yung dad niya, ang dami niyang hirap na pinagdaanan. Ganun din sa kin. Simula nung namatay yung lola ko, ang daming hirap at sakripisyo ang pinagdaanan ko para lang makagraduate ng college (hindi pa naman ako graduate kaya marami pa rin akong sakripisyong pinagdadaanan). Ganun din naman si Kiko (na super crush ko...). He can still put up a happy face kahit wala siyang pera at walang date.

Natutunan ko rin that you can't trust anyone sa college. Sa college, lokohan at gaguhan lang. Gaya nung nangyari kina Peachy, Wacks at Angel. Nadamay pa pati yung buong tropa.

Hindi madali ang lahat. Hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo. Ang importante, kakayanin mo. Basta andiyan lagi ang tropa at ang pamilya...

(Parang wala ata sa topic yung tinype ko... sensya na!!!)

0 comments: