Wednesday, January 17, 2007

90's na 90's

May nadaanan lang ako sa PEX kanina... mga paboritong shows nung 70's 80's at 90's. Una sa lahat, wala akong masyadong alam na shows nung 70's maliban sa Voltes V, Daimos, Annaliza at Flordeluna. Sa pagkakaalam ko, 1983 ako pinanganak kaya may karapatan akong wag pakialaman ang shos nung 70's. 80's pa siguro at 90's.

Anyway, pinipiga ko ang utak ko kakaisip ano pa ba mga favorite shows ko nung bata ako? Actually, ano ba yung mga PINAPANOOD ko sa TV gawa ng kawalang magawa sa buhay. DI pa kasi nagpapakbit ng cable nanay ko nun kasi nakikinikinita na niya magiging adik ang unica ija niya sa TV.

Based on experience, ito ang mga favorite shows ko na may side comment.



  1. Sailormoon - oo, babaeng babae ako nung Grade 6 ako. Noon, si Sailormoon ang kailangan ng mundo at ng mga batang babaeng ayaw pansinin ng "One , True Love" kuno nila nun. Asar talo ako sa mga ka-school bu ko pag naglalaro kami, at gusto kong maging si Sailormoon ("Ano?! Ikaw si Sailormoon?! Ang sexy nun di gaya mo MATABA! Bwahahahaha!"). Bale nakabugbog na ako ng 2 lalaki sa school bus dahil kay Sailormoon. Nagiipon pa nga ako ng text, drawings, posters at laruang Sailormoon nun. Nagbago ang lahat ng dumating sina...
  2. Magic Knight Rayearth - pantapat kay Sailormoon. Mas astig ang graphics pati ang story. Pero solid Sailormoon pa rin ako
  3. Cedi, ang munting prinsipe - kaunaunahang anime dubbed in tagalog na nagustuhan ko. Grabe tumulo ang luha ko nung ending.
  4. Sarah, Ang Munting Prinsesa - sarap patayin ni Miss Minchin sa story na to! Sarap sabunutan ni Lavinia!
  5. TGIS - syempre di pwede mawala ang all time favorite show ko no!!! Memorize ko pa ang characters... hmmm... Wacks, Peachy, Kiko, Chris, Mickey, JM, Mitch, Rain, isama mo na si Sam, Chico, Lester, etc etc etc. Lahat ata ng lalaking cast, nasama na sa panaginip ko. Pero die-hard Red Sternberg fanatic pa rin ako. Lahat ng movies niya napanood ko. As in LAHAT. Oo, maski yung It's Cool Bulol pinanood ko kahit corny!
  6. Growing Up - ang spipn off ng TGIS ng nagcollege na ang tropa ko. Kahit masalimuot ang storya, kahit parang puro sex na ang tema, kahit wala na ang favorite kong love team na si Mitch at si Kiko, tuloy pa rin akong nanonood. Kunmbaga, a peak at college life.
  7. Tropang Trumpo - how can I ever forget the show that started it, all over again. I still remember the chicken dance, the stupid dance, at lahat ng joke nila. Antayin mong pagdating ng lunes lahat ng classmates mo, magpapatawang parang kalbo gamit ang bagong jokes sa Tropang Trumpo.
  8. Agujetas de color de rosas - first ever telenovela na nagustuhan ko. Ganda kasi ni Paula eh, kaso di ko na natapos...

mag iisip pa ako...

0 comments: