Wednesday, August 29, 2007

Japanese 101


Mula sa kulang kong tulog nung Sunday nang dahil sa TV marathon at 30 minutes na OT, sinikap kong gumising ng 7 AM para umattend sa Japanese lessons ko kasama ni Maan, dahil 3 sessions na ako di nakasipot dahil sa halo halong pangyayaring nangyari sa buhay ko. Yes, Japanese... speaking Japanese na ako... siguro naman magkakaintindihan na kami ni Hello Kitty pag dumalawa ako sa bahay niya sa Japan di ba? Weee!!!

But, it's not as easy as it seems to be. Gaya ng English, maraming rules sa grammar nila. Iba ang pagtranslate ng English to Japanese. Gaya na lang nito:

Hanazakari no Kimitachi eh



Dahil ang Hanazakari ay "Flowers in full bloom", at anf Kimitachi ay "you" at ang "No" ay pwedeng "of" or "for", sa makatuwid, ang translation niyan eh "Flowers in full bloom for you". Dali lang di ba? (yung eh, di ko alam eh...)

I am cute

Ang "I" sa Japanese ay "Watashi", kailangan palaging may "wa" sa sentence para iindicate na sentence siya, at syempre ang cute ay "kawaii", pero may am.... san mapupunta yung "am"?

Sabi ni sensei Iris, kapag positive particle gaya ng am, is, are, dapat may desu sa dulo. Kapag kabaligtaran naman, dewa arimasen dapat ang nasa dulo. Kaya ang translation niya ay "Watashi wa kawaii desu". Hehehehe


At habang tumatagal ang tutorials, pahirap naman siya nang pahirap. Siguro dahil
  1. Kulang ang tulog ko
  2. Di pa ako nag-almusal
  3. Sumisigaw ang mga Chinese characters sa utak ko!
Inexplain ko kay sensei yung third reason ko, sabi niya ok lang daw yun kasi may Chinese characters din sa Japanese. At ito ay tinatawag na Kanji. According to her, pagsulatin mo lang ang Chinese at Japanese, magkakaintindihan na daw silang dalawa. At syempre, natuwa naman ako kasi maiinitidihan ko na sa wakas ang subtitles sa mga Taiwanese series na pinanonood ko . More reasons to pursue this lesson!


Speaking ko characters, nalaman ko na 4 pala ang klase ng pagsusulat sa Japanes - may hiragana, katakana, romanji at kanji. Yung unang pinag-aralan namin eh yung hiragana. Ganito siya:

Medyo nakakalito sya sa simula, pero masaya magsulat ng Japanese... hehehe....


0 comments: