Saturday, December 30, 2006

My Rizal Day Shift

Double pay ba ngayon? Kahapon ko pa tinatanong yang tanong na yan, hanggang ngayon wala pa ring nakakasagot. Long weekend na naman kasi at as if lahat ng normal na tao may pasok no!

Minsan wish ko rin na maging normal na tao. Well, nadinig naman ng Diyos yung panalangin ko, kaso 1 week lang. After a week naman, normal pa rin naman akong tao, 8 am to 5 pm pa rin and schedule ko, yun nga lang, pag EST...

=====================================================

-=Daga sa Call Center=-


Break ko kanina mga 10 pm MLA. Papunta ako sa "John" (naks, sosyal!) ng makakita ako ng mouse. Nope, it's not that thing that you usually see beside the keyboard or yung nasa computer. As in MOUSE. DAGA. SI MICKEY MOUSE. Eeeeeeeeeekkkkkkkk!!!! It never occurred to me that call centers have MICE. Nung isang araw kasi ata nakakita rin yung kasama ko, kaya Eeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkk ulit. Gosh... grabe naman ynag mga daga na yan! Taghirap rin ba sila? Wala na ba silang mahanap na ibang trabaho kaya sa call center naman sila maghahasik ng lagim? Ano rin kaya ang opening spiel nila ("Thank you for contacting Daga Inc. How may I help you?"????)? May AHT rin kaya sila? Pano sila kinocoach? Swerteng Daga!!!


====================================================
-=StarBuko=-


Finally, after 48 light years na pagtitiis dahil nagtitipid ako, nakabili rin ako ng Starbucks (Yehey!!). Malamang nagtataka ka dahil yung isang kinsenas ko, minimum wage lang ng karaniwang manggagawa. Bakit lang ba ngayon lang ako nakabili ng Starbucks??? Kasi...
  1. Nagtitipid nga ako... ikaw kaya magbayad ng kuryente, bumili ng pagkain sa bahay sa araw araw, bumili ng gatas at diaper ng pamangkin, at lumamon ng sangkatutak. Tingnan natin kung may matitira sa sweldo mo
  2. Nag iipon ako... ng pang cable, pambili ng bagong phone, pambili ng bagong sapatos, damit, pambili sa buong 168 mall sa Divisoria, pambili ng bahay at lupa, pambili ng kotseng Ferrari, at pambayad sa Al Qaeda.
  3. Kuripot ako (see reason #2)
  4. Walang natitira sa pera
  5. May mas importanteng kailangan bilihin gaya ng pagkain, Cosomopolitan at Marie Claire na magazine
  6. Di pa kasi ako napopromote.

Haay!! Sarap talaga. Promise, palagi na ako bibili nito para makakuha ng planner nila next year. Pag naging mayaman ako, 3 beses sa isang ara ako bibili sa kanila. hehehehe...

===================================================================

-=Mga Kadrawingan=-

Nagkikita kita ulit ang mga DaVinci code kanina. Bakit DaVinci code ang tawag ko sa tropa ko sa Sitel?? Kasi puro kadrowingan!

Binyag kasi nung anak ni Jean. Syempre, sugod naman ang tropa sa lamunan!!! Well, matagal ko na rin silang hindi nakikita simula nung nagresign ako kaya sumama na rin ako. Marami na rin kaming napag-uspang tropa...

=====================================================================

-=Palawit=-

Malas siguro talaga ako sa palawit ng celphone. Kungdi kasi nawawala, nasisira naman... sayang tuloy yung binigay sa kin si She na palawit... haaaaayyyyyy

0 comments: